Sa panayam ng Super Radyo dzBB nitong Huwebes, sinabi ni Police Major General Leo Francisco, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group , na hindi pa nila nakakaugnayan ang lahat ng itinuturing persons of interest sa kaso.
Ayon sa opisyal, nakikipag-ugnayan naman sa mga awtoridad ang dating pulis na nakatalaga noon sa Angeles City, Pampanga. Siya ang middleman ng magkasintahan at nakasama nang tingnan ang bibilhin sanang lupa sa Capas, Tarlac. Tatlong motibo ang tinitingnan ng mga awtoridad sa kaso ng pagkawala ng magkasintahan pero hindi muna ito idinetalye ni Francisco.
Kinabukasan, nakita ang sunog na sasakyan ng magkasintahan sa gilid ng daan sa Capas, pero wala sa loob ang dalawa.