Ipapako sa 3 porsiyento ang interes ng socialized o affordable housing program, at 5.375 porsiyento sa regular housing loan program.
Paliwanag ng Pag-IBIG, mataas ang payment rate o antas ng pagbabayad ng mga nagkautang na ng pabahay at agad na nagbabayad ng kontribusyon ang kanilang mga miyembro. Ayon kay Acmad Moti, President at CEO ng Pag-IBIG Fund, nangangahulugan itong nagbabayad ng loan ang mga miyembro nila. "Ito po ay nasa pinakamataas na 91 percent collection efficiency. Ibig sabihin po ang ating mga miyembro ay patuloy na binabayaran nila ang kanilang housing loans,” ani Moti.
Kung kompleto ang lahat ng requirements, giniit ng Pag-IBIG na madali naman daw ang approval ng housing loan sa kanila at di hamak na mas maliit ang interest ng pautang nila kumpara sa bangko.Kabilang sa nakinabang ang negosyante at choreographer na si Lala Ilao-Dinglasan.Ayon kay Moti, kung patuloy na maayos na nagbabayad ng utang at nagre-remit ng kontribusyon ang mga miyembro, posibleng matagal pang manatili sa mababang lebel ang interes dito.
Loans Loans Latest News, Loans Loans Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: ANCALERTS - 🏆 26. / 50 Read more »
Source: ANCALERTS - 🏆 26. / 50 Read more »